Ang Jeep, Gas at Mismong Daan ay Parang Pagibig, Driver ay ikaw, Pasahero sya!
Isang araw after kong nag overtime sa work, sumakay ako ng jeep, ako lang sakay ni manong, bigla siyang nagsalita, sabi “hirap talagang pumasada, lalo kapag bihira ang sumasakay, magtataas na nga ang pasahe ulit” sumangayon ako, sabay tanong nya “nagmahal ka na noh?” “hirap talagang pakawalan ang taong sobrang mahal mo lalo kapag ipinangako mo sa sarili mo na sya na talaga hanggang huli”.
Sa tanong niya bigla kung naisip ang sarili ko, “ah oo manong tama ka dyan” sagot ko. Tinanong niya ulit ako kung marunong akong mag drive, sabi ko “oo”. “Kung ganun maiintindihan mo ako” sabi niya. Tinanong ko kung bakit? at sabi niya “ganito yan, ang gas, jeep at mismong daan ay parang pagibig…, driver ay ikaw. Pasahero sya. Minsan kahit gano kaayos ang daan, kahit full tank o kahit ok pa ang jeep mo, kapag gusto ng bumaba ng pasahero mo, wala ka ng magagawa. Minsan ipagkakatiwala mo sa taas ang manibela. “malay mo sa pagpasada mo ulit siya parin ang pumara at sumakay”.
Hindi ko alam kung bakit nasabi iyon ni manong sa akin, ang alam ko lang naka relate ako sa sinabi niya dahil sa nangyari din sa love life ko… May mga tao sa mundo na di mo kilala at di ka rin kilala pero makakatulong ang mga salita nila sayo. Siguro pinagtagpo kami ni manong para e turo sa akin ang aral na un.. Thankful naman ako dahil sa sinabi niya naibsan kahit papano ang sakit na nararandaman ko.




Leave a Reply